6 patay sa vehicular accident sa Tabaco, Albay

By Jay Dones March 06, 2017 - 04:17 AM

 

tabaco albayAnim katao ang nasawi makaraang salpukin ng isang trailer truck ang nakaparadang motorsiklo sa Tabaco City, Albay, Linggo ng hapon.

Ayon sa Bicol Provincial Police Office, naganap ang trahedya sa boundary ng Bgy. Quinastillojan at Estancia sa Tabaco City.

Puno umano ng mga bakal ang trailer truck at binabaybay ang kahabaan ng national road mula Ligao City tungong Tabaco City nang mahagip nito ang nakaparadang motorsiklo sa gilid ng daan.

Sa lakas ng pagkakasalpok, agad na nasawi ang tatlong lulan ng motorsiklo.

Samantala, inaalam pa ng mga otoridad kung mga naglalakad lamang sa daan ang tatlo pang biktimang nasawi sanhi ng banggaan o mga pasahero ng truck.

Patuloy ang pagsusumikap ng mga otoridad na kilalanin ang mga biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.