8 nurse na Pilipino na binihag ng ISIS sa Libya, nakauwi na sa bansa

By Jay Dones March 06, 2017 - 04:22 AM

 

REUTERS PHOTO-Ismail Zitouny
REUTERS PHOTO-Ismail Zitouny

Dumating na sa Pilipinas ang walong nurse na Pilipino na hinostage sa bansang Libya ng Islamic State (ISIS).

Kasama pa ng mga nurse ang isang sampung-buwang gulang na sanggol na kabilang din sa sapilitang pinigil ng mga miyembro ng ISIS.

Personal na sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., ang mga nurse nang dumating ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport Linggo ng gabi.

Bago umuwi ng bansa, isinalang muna sa limang-araw na debriefing ang mga ito sa Istanbul, Turkey.

Hinostage ang mga nurse ng ISIS upang gamutin umano ang mga nasusugatang miyembro nila sa Sirte City.

Ginawa pa umano silang tagapagturo ng medical training sa mga ISIS upang magbigay ng medical first aid sa mga nasusugatan sa labanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.