Ayon sa ulat ng QCPD, nakatanggap sila ng tip na muling bumalik sa kanilang tahanan sa North Fairview Subd., ang suspek na si Khristopher Ernie kaya’t agad silang bumuo surveillance team upang manmanan ito.
Nang makumpirma ang pagkakakilanlan ng suspek, agad itong inaresto sa Atherton St., Bgy. Sta. Lucia, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 70 sa kasong carjacking ng sasakyan ni Ong at isa pang seaman noong 2015.
Bukod sa suspek na si Ernie, naaresto rin sa operasyon ang dalawa pang kasamahan nito na sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal.
Narekober sa mga suspek ang 2 sasakyan, ilang sachet ng shabu at isang kalibre .45 baril./Jay Dones
Excerpt: Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant sa kasong carjacking.