Suspek sa pagpatay sa ‘Masculados Dos’ member noong nakaraang taon, arestado

By Jay Dones March 06, 2017 - 04:00 AM

 

ozu ongNadakip na ng mga elemento ng Quezon City police ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa ‘Masculados Dos’ member na si Marcelo ‘Ozu’ Ong may ilang taon na ang nakalilipas.

Ayon sa ulat ng QCPD, nakatanggap sila ng tip na muling bumalik sa kanilang tahanan sa North Fairview Subd., ang suspek na si Khristopher Ernie kaya’t agad silang bumuo surveillance team upang manmanan ito.

Nang makumpirma ang pagkakakilanlan ng suspek, agad itong inaresto sa Atherton St., Bgy. Sta. Lucia, sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 70 sa kasong carjacking ng sasakyan ni Ong at isa pang seaman noong 2015.

Bukod sa suspek na si Ernie, naaresto rin sa operasyon ang dalawa pang kasamahan nito na sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal.

Narekober sa mga suspek ang 2 sasakyan, ilang sachet ng shabu at isang kalibre .45 baril./Jay Dones

Excerpt: Naaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant sa kasong carjacking.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.