Klase sa 6 na bayan sa Surigao Del Norte, sinuspinde sanhi ng lindol
Suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa anim na munisipaliad sa lalawigan ng Surigao Del Norte ngayong araw, March 6, 2017 dahil sa epekto ng magnitude 5.9 na lindol na tumama sa lalawigan kahapon ng umaga.
Inanunsyo ni Surigao Del Norte governor Sol Matugas ang suspensyon ng klase sa pampubliko at pampribadong paaralan sa mga bayan ng San Francisco, Malimono, Taganaan, Sison, Mainit at Surigao City.
Ito’y upang bigyang pagkakataon ang mga otoridad na siyasatin muna ang mga paaralan na posibleng naapektuhan ng pagyanig at maiwasang madisgrasya ang mga bata sakaling may mga sira ang mga schoolbuildings.
Sa pinakahuling tala, isang 65-anyos na ginang ang nasawi matapos atakehin sa puso sa gitna ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.