Kawani ng Calamba City Hall patay sa pamamaril, kasamahan nito sugatan
Patay ang isang kawani ng Calamba City Hall samantalang sugatan naman ang kasamahan nito makaraan silang tambangan ng mga hindi nakilalang suspek sa San Pedro, Laguna.
Kinilala ang nasawing biktima na si Juneau Bayani, administrative aide IV ng Calamba City Hall samantalang tinamaan rin ng bala ang kasamahan nito na si Renato Austria.
Sa imbestigasyon, Pinagbabaril ang dalawang biktima habang nasa ilalim ng tulay ng Barangay Uno, dakong alas 3:30 ng umaga.
Ayon kay Calamba City police Chief Supt. Albert Tapulao, inaalam pa ng kanyang mga imbestigador ang motibo sa likod ng krimen.
Gayunman, kinumpirma ni Tapulao na kilalang tambayan ng mga sangkot sa bentahan ng iligal na droga ang naturang lugar.
Sumuko na rin noong nakaraang taon si Bayani nang maglunsad ng ‘Oplan Tokhang’ sa kanilang lugar dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.