Ayon sa Xinhua News Agency, Linggo ng gabi nang matagpuan ang pitong katawan mula sa debris ng isang dormitory sa Shanyang, isang lugar sa Hilagang bahagi ng probinsya ng Shaanxi (SHA-AN-XI).
Sinundan ng isa pang landslide ang isinasagawang rescue operation noong Miyerkules, na nakapagpalubog pa sa mining company ng 1 million cubic meters sa ilalim ng lupa.
Isang vanadium producer ang lumubog na Wuzhou mining company ayon sa Xinhua.
Naaantala ang iba pang rescue operation dahil sa kapal ng putik at kalat ng gumuhong minahan, dagdag pa ang panganib ng ikalawang landslide.
Kilala ang China bilang pinakamalaking prodyuser ng uling, ngunit kaakibat nito ang mga hindi pagsunod sa polisiya ng trabaho, at nang manggagawa, at paglabag sa mga standard na nagdudulot ng panganib sa marami.
Matatandaang nasa 900 ang namatay din sa isang aksidente sa minahan ng uling sa China noong nakaraang taon. /Stanley Gajete