1 residente, patay nang tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Surigao
Patay ang isang residente dahil sa cardiac arrest nang tumama ang magnitude 5.9 na lindol sa Surigao City.
Sa ulat ng Philippine Information Agency, kinilala ang biktima na si Socorro Cenes, sisenta y singko anyos, residente ng Narciso corner Lopez Jaena streets.
Dagdag pa nito, sinabi ng Surigao City Emergency Team na isa pang residente ang sugatan at kalaunan ay nasagip mula sa isang hardware store.
Samantala, dalawang bahay naman sa Jaena streets at Barangay Sabang ang bumagsak dahil sa naturang lindol.
Dalawampu’t limang kataong nagtamo ng minor injuries ang naiulat ng Caraga Regional Hospital na kasalukuyang ginagamot ngayon.
Paliwanag ni Renato Solidum, Director ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOLCS, ang naganap na lindol ay parte pa rin ng mararanasang aftershocks bunsod ng magnitude 6.7 na lindol sa probinsya noong nakaraang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.