Magnitude 5.9 na lindol, tumama sa Surigao City

By Ricky Brozas March 05, 2017 - 10:50 AM

 

surigao mag 5.9Muling niyanig ng malakas na lindol ang Surigao City. Naitala ito bilang magnitude 5.9.

Nangyari ang pagyanig kaninang alas 8:08 ng umaga na ayon sa Phivolcs ay naramdaman sa layong 13 kilometers South at 82 degrees West ng Surigao City.

Samantala, kanina namang 9:11 ng umaga ay naramdaman ang 2.6 magnitude sa Bayan ng Del Carmen, Surigao del Norte, habang naramdaman naman ang magnitude 3.0 na lindol sa Basilisa Surigao, del Norte kaninang 9:14 ng umaga.

Ayon naman sa Kapitan ng Barangay Mat-I, Surigao City na Fernando Olvis, may katagalan ang nangyaring pagyanig kayat nagdulot ito ng matinding takot sa kanilang mga residente.

TAGS: lindol, magnitude 5.9, surigao city, lindol, magnitude 5.9, surigao city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.