Pang. Duterte, nangakong magtatanggal pa ng ilang appointed officials sa gobyerno

By Angellic Jordan March 05, 2017 - 09:07 AM

duterte01Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na susugpuin ang korapsyon at tatanggalin sa pwesto ang mga appointed officials na may kinalaman dito.

Sa pagbisita sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro, inanunsiyo ng pangulo na may ilang appointed officials ang matatanggal sa gobyerno sa mga susunod na araw.

Magsisilbi aniya itong babala na itigil ang maling kalakaran kahit sa anim na taong pag-upo lang aniya niya bilang Punong Ehekutibo.

Samantala, hinikayat rin ng pangulo ang mga businessmen na makiisa sa kampanya kontra korapsyon sa pagtigil ng mga maanomalyang transaksyon sa iba’t ibang government offices.

Pinaalala rin ni Duterte na kilalanin ang mga naturang opisyal na magbabakasaling mangikil kapalit ang serbisyo mula sa gobyerno.

Ilan sa mga nabanggit na ahensiyang sangkot sa naturang alegasyon ang Bureau of Customs, Bureau of Immigration at Bureau of Internal Revenue.

 

TAGS: Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenu, government appointees, korapsyon, Rodrigo Duterte, Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenu, government appointees, korapsyon, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.