3 katao, arestado dahil sa pag-iinuman sa kalye sa Fairview, QC

By Cyrille Cupino March 05, 2017 - 09:03 AM

 

Google map
Google map

Tatlo ang arestado sa Fairview, Quezon City dahil sa pag-iinuman sa kalye ng Kaligayahan alas diyes kagabi.

Kararating lang sa presinto ng tatlong magbabarkada na sina Homer Madron, Cyril Hoguilon at Jonathan Ganat, na pawang mga nasa bente anyos.

Despedida raw kasi ng isa nilang kabarkada na pa-Saudi Arabia mamaya kaya sila naginuman.

Alam naman daw nila na may ordinansang bawal mag-inuman sa kalye pero akala nila ay tuwing pagsapit lang ito ng alas diyes ng gabi hanggang madaling araw.

Pinagmulta ang mga nadampot ng dalawang daang piso na maaring tumaas sakaling mahuli uli silang nagiinuman sa kalye.

Noong nakaraang linggo lang, mahigit limampu ang naaresto sa Fairview dahil sa paglabag sa naturang ordinansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.