Hinihinalang holdaper, napatay ng pulis sa Quezon City

By Cyrille Cupino March 05, 2017 - 09:03 AM

Photo by Cyrille Cupino
Photo by Cyrille Cupino

Patay sa engkwentro laban sa pulis ang isang hinihinalang holdaper ng jeep sa Eliptical Road, Quezon City.

Ayon sa isa sa mga pasahero ng jeep na biyaheng Fairview, nagdeklara ng holdap ang suspek na armado umano ng kutsilyo malapit sa may Quezon City Hall bandang alas tres ng madaling araw.

Sumigaw ang mga pasahero para humingi ng tulong na sakto naman sa pagdaan ni SPO1 Aries Despuig ng District Drug Enforcement Unit ng Quezon City police, na sakay ng motorsiklo at saka hinabol ang suspek.

Sinubukang undayan ng suspek ng saksak si SPO1 Despuig, pero naunang magpaputok ang pulis at mapatay ang hinihinalang holdaper.

Sa ngayon ay hindi pa rin alam ang pagkakakilanlan ng napaslang na suspek.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

TAGS: holdaper, quezon city, holdaper, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.