Pang. Duterte, bukas na muli para sa peace negotiation sa CPP-NPA-NDF
Bukas na muli si Pangulong Rodrigo Duterte na maibalik ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga komunistang rebelde.
Sa pagbisita sa Camp Edilberto Evangelista sa Cagayan de Oro, nagbigay ng ilang kundisyon ang pangulo bago ituloy ang negosasyon.
Ito ay ang pagtigil ng pangongolekta ng revolutionary taxes, paghingi ng mga pabor at pagpapalaya sa mga bihag na pulis at sundalo.
Aniya pa, handa na siyang makipag-usap nang maayos ngunit nais niya itong maging sinsero ngayon.
Masakit aniya para sa kaniya na makitang nagkakaroon ng bakbakan ang mga Pilipino na mauuwi lang aniya sa pagkatalo ng buong bansa.
Dagdag pa nito, aksaya lang sa pera ang giyera at imbis na ibili ng mga bala ng baril, mas maiging ibigay ito bilang tulong sa kapwa.
Samantala, matatandaang ipinahinto ni Duterte ang peace talks matapos atakihin ng mga rebelde ang militar sa kabila ng isinasagawang proseso nito isang buwan na ang nakakalipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.