Aabot sa 1 milyong halaga ng ilegal na droga, nasabat ng PDEA sa Antipolo

By Rod Lagusad March 05, 2017 - 05:51 AM
antipoloNasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa isang milyong piso halaga ng ilegal na droga sa isinagawang raid sa Antipolo City.

Ayon kay Dheo Tabor ng PDEA ay nakuha ang naturang ilegal na droga sa bahay nina Jon Paul at Norylyn Agir ng Barangay Sta. Cruz.

Dagdag pa ni Tabor na ang naturang raid ay nagpapakita ng sinusubukan muli ng mga drug traffickers ang makapag-distribute ng bultuhan kasabay ng pagsuspinde sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbalik ng PNP sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, iniutos na rin ni PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang pagbuo ng mga anti-drugs units sa lahat ng police stations sa buong bansa.

TAGS: Antipolo City, drugs, PDEA, Philippine National Police, Rodrigo Duterte, Ronald dela Rosa, Antipolo City, drugs, PDEA, Philippine National Police, Rodrigo Duterte, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.