Mga namaril sa mga pulis na nagsagawa ng raid sa bahay ni Angel Manalo, kinasuhan na

KA ANGEL MANALONakilala na ng mga pulis ang dalawang lalaking responsible sa pamamaril sa mga pulis na nagsagawa ng raid noong Huwebes sa bahay ng mga dating miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na sina Angel Manalo and Lottie Manalo-Hemedez sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) Chief Supt. Rodelio Marcelo, sinampahan ng frustrated murder at direct assault sina Jonathan Ledesma, 42 taong gulang at Joseph Sabbaluca, 49 taong gulang sa umanoy pamamaril kina Police Officers 2 Henry Hular and Joemarie Oandasan.

Sina Ledesma at Marcelo ay positibong itinuro ng mga nasagutan na pulis ng makaroon sila ng “close encounter” sa mga ito nang magsagawa sila ng raid sa isa sa mga kwarto sa bahay ng mga kapatid nina Executive Minister Eduardo V. Manalo.

Dagdag pa ni Marcelo kahit na tumanggi na sumailalim sa gun powder test ang mga suspek ay sapat na ang testimonya ng mga pulis para sampahan ang mga ito ng kaso.

Matatandaang na noong Huwebes ay nagsagawa ng raid ang pulisya sa bahay ni Manalo sa bisa ng search warrant kaugnay ng pagkakaroon nito ng armory.

Read more...