US think tank na CSIS, hindi dapat makialam sa Pilipinas ayon kay Panelo

By Rod Lagusad March 05, 2017 - 05:23 AM
panelo2Binigyang diin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi dapat nakikialam ang US think tank na The Center for Strategic and International Studies (CSIS) sa Pilipinas.

Kasunod ito ng himukin ng CSIS si Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng aksyon kaugnay ng naging ruling ng arbitral tribunal ng The Hague sa West Philippine Sea.

Ayon kay Panelo, tanging ang Pilipinas lang ang makakapagsabi kung kalian ang tamang panahon para sa pamahalaan para gumawa ng askyon kaugnay ng karapatan nito sa pinag-aagawang teritoryo.

Aniya may sariling programa ang bansa at ang Pilipinas ang magdidikta kung kalian magsasagawa ng aksyon kaugnay ng isyu.

Sa inilabas na Pulse Asia Survey noong Enero na walo sa sampung Pilipino ang naniniwala na dapat gumawa ng aksyon ang pamahalaan sa mga inaangking teritoryo nito sa West Philippine Sea.

TAGS: Arbitral Tribunal, Pulse Asia Survey, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, The Center for Strategic and International Studies, the hague, West Philippine Sea, Arbitral Tribunal, Pulse Asia Survey, Rodrigo Duterte, Salvador Panelo, The Center for Strategic and International Studies, the hague, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.