10 miyembro ng ASG patay, 18 sundalo sugatan sa bakbakan sa Patikul, Sulu

By Rod Lagusad March 05, 2017 - 05:11 AM
Abu-Sayyaf-1-radyo-inquirerHindi baba sa 10 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) kabilang ang dalawang kamag-anak ni ASG leader Radullan Sahiron ang napatay habang nasa 18 sundalo sugatan sa bakbakan sa Patikul, Sulu.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force (JTF) Sulu Commander Army Colonel Cirilito Sobejana na dinala na sa ospital ang mga nasugatang sundalo sa engkwentro.

Dagdag pa ni Sobejana, na nagsasagawa ng rescue operations ang JTF para mapalaya ang nasa 31 kidnap victims ng makaharap nito ang nasa 120 na armadong mga miyembro ang ASG sa Brgy. Igasan na nauwi sa dalawang oras na engkwentro.

Sa 31 hostage ng ASG ay 12 dito ay Vietnamese nationals, isang Dutch national, pitong Indonesians, anim na mga Pilipino at limang Malaysians.

Dahil sa air assests at artillery power ng militar ay nagpulasan din sa ibat ibang direskyon ang mga bandido dala-dala ang kanilang mga namatay na kasamahan.

TAGS: abu sayyaf group, armed forces of the philippines, Joint Task Force Sulu, Radullan Sahiron, abu sayyaf group, armed forces of the philippines, Joint Task Force Sulu, Radullan Sahiron

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.