Panibagong batch ng mga pulis na may kinakaharap na kaso, dumating na sa Basilan
Kasunod ito ng paglinis ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay sa kabila ng mga alegasyon sa ilang mga pulis na sangkot sa mga ilegal na gawain.
Nasa 51 mga pulis ang dumating ngayong weekend sa lalawigan ng Basilan.
Pagkadating ng mga naturang pulis ay agad silang dinala sa provincial police office para sa orientation at sumailalim ang mga ito sa drug testing at medical exam.
Ayon kay Police Senior Supt. Nickson Muksan, ang mga nasabing pulis ay idedestino sa ibat ibang istasyon sa probinsya.
Matatandaang na noong February 21, nasa 53 na mga pulis ang una ng dumating kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.