Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mararanasan ang epekto ng bagyong Ineng sa bansa pagdating ng Miyerkules na magdadala ng pag ulan sa Visayas, samantalang sa Huwebes at Biyernes naman inaasahang uulanin ang Luzon.
Ayon kay Meteorologist Glaiza Esculiar, malaki ang tyansa na tumama sa lupa ang bagyong Ineng partikular na sa Hilagang Lzuon.
Habang papalapit sa bansa, patuloy namang nagiging malakas ang bagyong Ineng, na siyang ikasiyam na bagyong papasok sa bansa ngayong taon.
May lakas na 170 kilometro kada oras, at may bugso na 205 kilometro kada oras, na tinutumbok ang kanluran, pahilagang kanlurang Luzon sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Inaasahan na tutunguhin ng bagyong Ineng ang Taiwan at Timog Silangang bahagi ng China sa weekend./ Stanley Gajete