Bagyong Ineng, papasok na sa PAR mamayang tanghali

August 18, 2015 - 06:00 AM

Aug 18 GoniInaasahan na ang pagpasok ng Bagyong Ineng (International name Goni) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang tanghali at maaaring makaapekto sa Hilagang Luzon sa darating na Sabado at Linggo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mararanasan ang epekto ng bagyong Ineng sa bansa pagdating ng Miyerkules na magdadala ng pag ulan sa Visayas, samantalang sa Huwebes at Biyernes naman inaasahang uulanin ang Luzon.

Ayon kay Meteorologist Glaiza Esculiar, malaki ang tyansa na tumama sa lupa ang bagyong Ineng partikular na sa Hilagang Lzuon.

Habang papalapit sa bansa, patuloy namang nagiging malakas ang bagyong Ineng, na siyang ikasiyam na bagyong papasok sa bansa ngayong taon.

May lakas na 170 kilometro kada oras, at may bugso na 205 kilometro kada oras, na tinutumbok ang kanluran, pahilagang kanlurang Luzon sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Inaasahan na tutunguhin ng bagyong Ineng ang Taiwan at Timog Silangang bahagi ng China sa weekend./ Stanley Gajete

TAGS: typhoon goni, typhoon goni

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.