Cavs, nakapagtala ng NBA three-point record

CLEAVELAND CAVALIERSNakapagtala ang Cleveland Cavaliers ng NBA regular-season record na 25 three-pointers noong Biyernes matapos talunin nito ang Atlanta Hawks sa score na 135-130.

Nagawa ni Former Hawks player Kyle Korver na maitala ang naturang record-setting three-pointer sa nalalabing 1 minute at 17 seconds ng laro.

Naitala ni Kyrie Irving ang 48 points kung saan walo dito ay mula sa three-point range habang naitala naman ni LeBron James ng 38 points.

Ayon kay Cleveland coach Tyronn Lue tinawag na “good win” ang naging panalo ng kanilang koponan ngunit naging “sloppy” aniya ang mga ito ng maging malaki ang lamang nila.

Dagdag pa ni Lue na ang unang 2 ½ quarters ng laro ay naging maganda pero nung lumamang na sila ay naging komportable na kanilang koponan.

Read more...