Fort Bonifacio gagawing lugar ng bitayan ayon kay Duterte
Sakaling matuloy ang pagsasabatas ng parusang bitay sa bansa ay imunungkhi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang pagpatay sa mga death convicts sa pamamagitan ng pagbigti sa Fort Bonifacio.
Ipinaliwanag ng pangulo na wala sa mga naging lider ng bansa ang naglakas loob na ipataw at panatilihin ang parusang kamatayan para sa mga karumal-dumal na krimen.
Sinabi pa ni Duterte na gagawin niyang parang mga kurtina sa sampayan ang pagbibigti sa mga kriminal sa bansa oras na makalusot ang panukala.
Noong unang binuhay ang parusang kamatayan ay nasa 686 lanang umano ang nasa death row dahil sa paggawa nila ng mga heinous crimes pero nang inalis ito noong panahon ni dating pangulong Gloria Arroyo ay lumobo na ito sa bilang na 6,000.
Patunay umano ito na walang respeto sa batas ang mga kriminal kaya marapat lamang na tapatan na ang kanilang mga kasalanan ng parusang kamatayan.
Noong Miyerkoles ng gabi ng lumusot na sa second reading sa Kamara ang parusang bitay at inaasahan naman na matatapos na ang deliberasyon dito sa papasok na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.