100 dagdag na satellite offices itatayong ng PDEA ngayong taon
Aabot sa mahigit 100 sattelite offices ang bubuksan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, layunin ng dagdag na mga tanggapan na palakasin pa ang operasyon laban sa ilegal na droga.
Dagdag ni Lapeña, kabilang dito ang 81 provincial offices, limang dagdag na mga opisina sa Metro Manila at 33 offices sa mga highly urbanized cities.
Target ni Lapeña na palakasin pa ang intelligence gathering, pagsasagawa ng mas pinalakas na anti-drug operations sa mga lugar na nasasakupan at mas mabilis na koordinasyon sa mga lokal na sangay ng Philippine National Police at militar.
Pangunahing tututukan ang mga highly urbanized cities kung saan karaniwang nag-ooperate umano ang mga sindikato ng droga.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang 18 regional offices ang PDEA sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.