Hiniling ni dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo sa 4th and 5th Division ng Sandiganbayan na payagan siyang makapunta sa mga bansa sa Asya at Europa sa mga buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Arroyo, sa Setyembre 15 hanggang Oktubre 6 nais na pumunta sa Europa ng kanyang kliyente at October 23 hanggang Nobyembre 3 naman sa Japan at Hongkong.
Hindi man sinabi ang dahilan ng kanyang pagalis, sinabi ni Topacio na karapatan ni Arroyo na magawa ang kanyang nais, sapagkat siya ay nananatiling hindi nahuhusgahan sa mga kasong kinakaharap nya sa Sandiganbayan.
Ani Atty. Topacio, karapatan ni Ginoong Arroyo na makalipad at makapunta sa mga lugar na nais niya, nang walang restriksyon mula sa batas na maaaring ipataw sa kanya
Dagdag pa ni Topacio, pinapayagan naman siyang makalabas ng bansa dati ng mataas na korte, kaya walang dahilan kay Arroyo na hindi bumalik, sapagkat narito sa Pilipinas ang lian sa mga negosyo ng kanyang pamilya.
Nakasaad sa trip ni Arroyo sa Europa ang pagpunta sa Madrid, Spain mula September 15 hanggang 20; Munich, Germany mula September 20 hanggang 25; Amsterdam, The Netherlands mula September 25 hanggang 28; Zurich, Switzerland mula September 28 hanggang October 1; at sa Rome, Italy mula October 1 hanggang 5.
Inaasahan namang babalik siya sa Pilipinas sa Oktubre 6.
Para naman sa kanyang pagbisita sa mga bansa sa Asya, magtutungo siya sa Osaka, Japan mula October 23 hanggang 26; Tokyo mula October 26 hanggang 29; at Hong Kong mula October 29 hanggang November 3, na inaasahan namang pagbalik nya narin sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, humaharap si Arroyo sa ikalimang dibisyon ng Sandiganbayan sa kasong graft mula sa umano’y P104 milion overprice sale ng mga helicopters na binigay noon sa Philippine National Police o PNP.
Mula sa naunang kaso, muling kinasuhan ng kasong graft si Arroyo hinggil sa $329 million national broadband network deal, na hawak ngayon ng ikaapat na dibisyon./Stanley Gajete
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.