Mag-asawang Duterte dinukot ng mga armadong kalalakihan

By Den Macaranas March 04, 2017 - 08:54 AM

SioconDinukot ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan sa bayan ng Siocon, Zamboanga Del Norte ang isang mag-asawa na nagmamay-ari ng isang malaking coconut plantation sa lugar.

Pinangalanan ni Siocon Police Station Commander C/Insp. Joseph Maulad ang mga biktimang sina Jose Duterte, 62-anyos ang kanyang misis na si Jessica Barason-Duterte, 52 taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-siyete kagabi ng biglang pumasok sa kanilang bahay ang pitong mga armadong kalalakihan na nakasuot ng military uniform.

Kaagad umanong isinakay sa isang speed boat ang mga biktima patungo sa hindi binanggit na lugar.

Sa kasalukuyan ay magkatuwang na naghahanap sa mag-asawang Duterte ang mga tauhan ng PNP at militar sa karagatang sakop ng Zamboang Del Norte.

TAGS: duterte, PNP, siocon, Zamboanga del Norte., duterte, PNP, siocon, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.