Mental condition ni Lopez gustong ipabusisi ng mga mambabatas
Ipasisilip ng Commission on Appointments (C.A) hindi lamang ang physical capabilities kundi pati ang mental health ni Environment Sec. Gina Lopez.
Sa isang panayam, sinabi ni C.A House-contingent leader at San Juan Cong. Ronnie Zamora na importanteng malaman ng sambayanan kung fit ba sa kanyang trabaho ang kalihim.
Ipinaliwanag ni Zamora na marami ang nagtatanong tungkol sa nasabing mga isyu na matagal nang ibinabato kay Lopez.
Magugunitang ilang beses na nabalam ang appointment ni Lopez sa DENR dahil sa pagharang ng ilang mga mambabatas.
Nauna nang sinabi ng opisyal na may ilang mambabatas umano ang sinuhulan ng P50 Million para harangin ang kanyang kumpirmasyon lalo na ng naging mainit siya sa ilang mining firms.
Kamakailan ay umaabot sa mahigit sa dalawampung mga minahan ang inirekomenda ni Lopez na ipasara dahil sa paglabag sa ilang mga environmental laws sa bansa.
Naunangkat din ng kalihim na kaya siya pinag-iinitan ni Zamora dahil sap ag-aari ng pamilya ng kongresista ang Nickel Asia Corporatation na may malaking operastion sa Caraga region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.