Negosyante, patay sa pananambang sa Fairview, QC

By Cyrille Cupino March 04, 2017 - 05:54 AM

17105257_10207971182549713_718180544_nPatay ang isang negosyante matapos tambangan sa Zabarte Rd., Fairview, Quezon City.

Kinilala ni Police Supt. Alex Alberto ng QCPD ang biktima na si Paul Michael Esguerra na nagpapa-gasolina lang ng kanyang motorsiklo bago pinatay.

Nilapitan umano ang biktima ng dalawang armadong lalaki saka pinagbabaril nang dalawang beses sa ulo.

Agad tumakas ang mga hindi nakilalang suspect sakay ng naghihintay na motorsiko sa hindi kalayuan.

Ayon kay Alberto na posibleng may kinalaman sa negosyo ang motibo sa krimen dahil ang biktima ang may-ari ng kilalang ‘bar’ sa lugar.

Nagpaptuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.