Mahigit 100-katao, arestado sa ikinasang ‘Oplan Rody’ sa Parańaque City

 

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

Arestado ang 103 katao sa ikinasang ‘Oplan Rody’ o ‘Rid the streets of Drinkers and Youth’ sa Paranaque City kagabi.

Ayon kay Paranaque City chief of police Senior Supt. Jemar Modequilo, inaresto nila ang mga lumabag sa City Ordinance sa Brgy. San Dionisio at Brgy. San Isidro.

Kabilang sa mga hinuli ay 46 menor de edad na lumabag sa curfew, 31 dahil sa paginom ng alak sa pampublikong lugar, 15 half-naked at 11 na may warrant of arrest.

Kuha ni Cyrille Cupino

Pinag-push up ang mga nahuling walang damit pang-itaas, pinagalitan at pinasundo naman sa kanilang mga magulang ang mga menor de edad na lumabag sa curfew.

Aabot naman sa 24 na motorsiklo ang nahuling walang kaukulang papeles o rehistro.

Ayon kay Modequilo, layuin ng Oplan Rody na mabawasan ang krimen lalo na sa gabi at madisiplina ang mga residente lalo na ang mga kabataang nasa lansangan sa dis-oras ng gabi.

Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino
Kuha ni Cyrille Cupino

 

Read more...