Pabuya, ibibigay sa makapagtuturo sa suspek sa pagpatay sa volunteer doctor

By Kabie Aenlle March 04, 2017 - 05:15 AM

dreyfus perlasInaprubahan na ng lokal na pamahalaan ng Lanao del Norte ang pagbibigay ng pabuya sa sinumang makapagtuturo sa pumatay sa volunteer doctor na si Dreyfuss Perlas kamakailan.

Si Perlas ay binaril habang minamaneho niya ang kaniyang motorsiklo pauwi sa bayan ng Kapatagan noong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Lanao del Norte police chief Senior Supt. Faro Antonio Olaguera, nagsagawa na sila ng conference kung saan pinag-usapan nila ang mga posibleng makaresolba sa kaso ng pagpatay kay Perlas.

Sisiyasatin rin aniya ng Anticybercrime Group ang cell phone ni Perlas na password-protected, sa pag-asang makakuha ng mga leads tungkol sa pagpatay sa kaniya.

Pagtutuunan rin aniya nila ng pansin ang ulat na may natatanggap umanong banta sa buhay si Perlas.

Nakainitan din umano ni Perlas ang isang pasyente o kaanak ng isang pasyente sa Bontilao Country Hospital kung saan siya nanilbihan.

Samantala, naibalik naman na sa Kalibo, Aklan mula sa Pagadian City ang mga labi ni Perlas sa pamamagitan ng C-130 plane.

Malaki ang pasasalamat ng pamilya Perlas sa lokal na pamahalaan ng Lanao del Norte sa pagtulong sa kanila, at umaasa din sila na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng tinaguriang “Superman Doctor.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.