Robredo: Administrasyong Duterte, sakim sa kapangyarihan

Duterte-RobredoNaniniwala si Vice President Leni Robredo na kasakiman sa kapangyarihan ang ipinakita ng mga kaalyado ng administrasyong Duterte nang tanggalan nila ng komite ang mga senador ng Liberal Party kamakailan.

Ayon kay Robredo, isa aniya itong katangian ng administrasyong nais angkinin ang lahat ng kapangyarihan at isantabi ang mga kumokontra sa kanila.

Aniya, dahil nabigyan sila ng mandato ng mga tao, kailangan nilang makipagtulungan sa administrasyon at unahin ang kapakanan ng bansa bago ang pulitika.

Gayunman, kahit anong “sincere efforts” nila, sinabi ng pangalawang pangulo na malinaw nang hindi talaga kaya ng administrasyong Duterte ang mga pag-puna kahit pa ito ay constructive.

Ganito rin aniya ang nangyari noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, na nauwi sa diktadurya.

Read more...