Duterte, hindi itutuloy ang peace talks hangga’t puno ng galit ang NPA

By Kabie Aenlle March 04, 2017 - 04:09 AM

duterte01Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipagpapatuloy ang usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista hangga’t puno pa rin ng galit ang kanilang mga puso.

Matatandaang lubhang nagalit ang pangulo sa New People’s Army (NPA) noong nakaraang buwan, dahilan para kanselahin na niya ang peace talks ng pamahalaan sa grupo.

Partikular na nagalit ang pangulo dahil sa ginawang pag-atake ng NPA sa tatlong sundalo, at nagtamo ang mga ito ng 76 na tama ng bala.

Giit ni Duterte, paanong nagawa ito ng mga rebelde sa mga kapwa nila Pilipino, at na sumasalamin ito sa kung gaano kalalim ang galit ng mga ito.

Aniya, kung ganito kumilos ang mga rebelde at punung puno sila ng galit, hindi maaring bumalik sa peace negotiations ang mga rebelde at ang pamahalaan.

Dagdag pa ni Duterte, isang tama lang ng bala ay sapat na para patayin ang kalaban, ngunit hindi ganoon ang kinahinatnan ng mga sundalo.

Sa ngayon ay muling hinihimok ng National Democratic Front, Communist Party of the Philippines, iba’t ibang grupo at mga mambabatas si Pangulong Duterte na muling bumalik sa negotiating table at huwag sayangin ang mga nauna nang naipundar ng peace talks.

Gayunman, iginiit ng pangulo na babalik lang siya sa peace talks kung mayroong “compelling reason” para gawin ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.