77 libong katao ang napatay sa ilalim ng PNoy admin – Sen. Cayetano

By Jong Manlapaz March 03, 2017 - 02:43 PM

pnoy-aquinoBinatikos ni Sen. Alan Peter Cayetano ang dating pamahalaan sa ilalim ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa mas maraming bilang aniya ng napapatay taun-taon.

Base sa datos na hawak ni Cayetano mahigit 77,000 katao aniya ang napatay sa loob ng anim na taong panunungkulan ni PNoy.

Sa 32 percent sa mga kasong murder nung panahon ni PNoy ay 18 percent lamang umano dito ang natukoy o nahuli ang mga suspek.

Sa loob din ng 6 na taon ng Aquino admin, umabot sa mahigit 93,000 ang mga isinagawang anti-drugs operation, habang sa Duterte administration sa loob lamang ng 6 na buwan nasa mahigit 43,000 ang nailunsad na anti-drugs operation.

Binigyan katwiran naman ni Cayetano na sa mahigit 7,000 napatay na binabatikos ng mga Human Rights Group, mahigit 2,500 dito ay napatay sa lehitimong operasyon habang mahigit 5,000 naman ang pinatay sa ibang insidente.

Ipinagmalaki naman ni Cayetano na umabot na sa 1.1 milyong adik ang sumuko, habang nasa mahigit 79,000 naman ang sumukong pusher sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

TAGS: 32% na murder cases, PNoy Admin, Sen. Alan Cayetano, 32% na murder cases, PNoy Admin, Sen. Alan Cayetano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.