Pondo ng SSS apektado din ng pagpapasara sa mga minahan

By Jong Manlapaz March 03, 2017 - 02:26 PM

sssAabot sa 1.6 billion pesos ang mawawalan sa Social Security System (SSS) kung tuluyang ipapasara ang mga minahan sa bansa.

Ito ang ibinunyag ng Philippine Mine Safety and Environment Association matapos magdesisyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipasara ang 23 mining companies sa bansa.

Sinabi ni Mr. Louie Sarmiento, pangulo ng mga responsible mining companies, malaki ang inilagay na investment ng SSS sa Philex Mining Corporation na pag-aari ni Mr. Manny Pangilinan.

Ayon pa kay Sarmiento, kasama ang Silangan Mindanao mining company na pag-aari ng Philex mining na nasa Surigao Del Norte ang ipinasara ng DENR.

Ngayon araw ay sinimulan na ng SSS ang pagbibigay ng dagdag na 1 libong piso sa pensyon ng mga retiradong manggagawa kung saan kukunin ito sa mga investment ng ahensya tulad ng mga minahan.

Sinabi ni Sarmiento, kung tuluyang isasara ang mga minahan, malaking kawalan ang 1.6 billion pesos sa kita ng SSS at tiyak mamomroblema ang gobyerno sa ipinagkakaloob na pensyon sa mga nagretirong empleyado.

TAGS: 1.6 billion pesos, DENR, Investment, Philex Mining Corporation, sss, 1.6 billion pesos, DENR, Investment, Philex Mining Corporation, sss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.