PDEA-7 Director sa pagpapahubad sa mga preso: “Ako ang nag-utos, pinaghubad ko sila”

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2017 - 09:25 AM

PHOTO FROM PDEA REGIONAL OFFICE 7
PHOTO FROM PDEA REGIONAL OFFICE 7

Aminado si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 Director Yogi Filemon Ruiz na siya ang nag-utos na paghubarin ang mga preso sa isinagawang Oplan Greyhound sa Cebu City Jail.

Ang larawan ng pagpapahubad sa mga preso ay naging viral sa social media at marami ang pumuna kabilang na ang Amnesty International at Commission on Human Rights (CHR).

Paliwanag ni Ruiz, nais niyang makatiyak na walang itinatago sa kanilang katawan ang mga preso kaya sila pinaghubad.

Nasa 3,600 aniya na lalaking preso ang pinaghubad at ayon kay Ruiz, naging payapa naman at maayos ang paghalughog sa kulungan, at wala din kahit isang presong babae na pinaghubad.

PHOTO FROM CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE
PHOTO FROM CEBU PROVINCIAL POLICE OFFICE

Sinabi ni Ruiz na sa paghalughog umabot sa 68 na mga armas at bladed weapons ang kanilang nakumpiska, 80 cellphones, 19 na pakete ng shabu, laptop at iba pang ipinagbabawal na gamit.

Sinibak na aniya ang warden sa nasabing bilangguan dahil sa dami ng mga kontrabando na nakuha sa pag-iingat ng mga preso sa ginawang sorpresang inspeksyon noong Martes, February 28.

Aniya pa, si Gov. Hilario Davide III ng Cebu ang humiling na magsagawa ng paghalughog sa kulungan dahil sa mga impormasyon na napapasukan nga ito ng kontrabando.

Nang magsagawa ng imbestigasyon ang PDEA ay nakumpirmang maraming bawal na gamit sa kulungan kaya ginawa na ang inspeksyon.

Ani Ruiz, nagsagawa sila ng serye ng pagpupulong bago ang raid noong ala una ng madaling araw ng Martes kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP)./ Dona D

 

 

TAGS: cebu city jail, Naked prisoners, Oplan Greyhound, PDEA, cebu city jail, Naked prisoners, Oplan Greyhound, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.