Dating LRTA administrator, 12 iba pa, ipinaaaresto ng Sandiganbayan

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2017 - 08:40 AM

LRT1Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay dating Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Melquiades Robles at labingdalawang iba pa dahil sa maanomalyang pagpapatupad ng janitorial contract sa ahensya noong 2009.

Maliban kay Robles, kabilang din sa ipinaaaresto ang mga sumusunod na dating LRTA officials:

Federico Canar Jr.
Dennis Francisco
Evelyn Macalino
Marilou Liscano
Elmo Stephen Triste
Eduardo Abiva
Nicholas Ombao
Roger Vaño
Maynard Tolosa
Juliet Labisto

Gayundin ang mga private respondents na sina Lilia Diaz at Dennis Acorda.

Nagpalabas na rin ng hold departure order laban sa mga nabanggit na indbidwal na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ayon sa reklamo ng Office of the Ombudsman, binigyan ng pabor ng LRTA ang joint venture ng COMM Builders and Technology Philippines Corp.

Binayaran umano ang joint venture ng aabot sa P3.37 million kada buwan para sa pagdeploy ng 321 na janitor.

Ang pagbabayad umano ng napakalaking halaga ay nagdulot ng undue injury sa LRTA.

Aabot sa P30,000 na piyansa ang inirekomenda sa bawat respondent.

Nakatakda silang magpiyansa ngayong araw.

 

 

 

TAGS: LRTA, Mel Robles, sandiganbayan, LRTA, Mel Robles, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.