Ilocos Norte at Agusan Del Norte, niyanig ng lindol

By Dona Dominguez-Cargullo March 03, 2017 - 06:43 AM

Ilocos NorteMagkasunod na niyanig ng lindol ang Pagudpud, Ilocos Norte at ang bayan ng Jabonga sa Agusan Del Norte.

Alas 12:56 ng madaling araw nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol sa Pagudpud.

Naganap ang lindol sa 37 kilometers North ng Pagudpud na may lalim na 22 kilometers.

Nagdulot ito ng Intensity 2 sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte.

Samantala, ala 1:50 naman ng madaling araw nang yanigin ng 2.2 magnitude na lindol ang Jabonga, Agusan Del Norte.Agusan Del Norte

AYon sa Phivolcs naitala ang epicenter ng pagyanig sa 17 kilometers West ng bayan ng Jabonga.

May lalim namang 33 kilometers ang lindol.

Bagaman mahina ang lindol, naitala pa rin ang Intensity 2 sa Surigao City.

 

 

 

 

TAGS: agusan del norte, earthquake, ilocos norte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, agusan del norte, earthquake, ilocos norte, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.