Hiking sa Misamis Oriental, ipinatigil muna dahil sa bakbakan ng AFP at NPA

By Kabie Aenlle March 03, 2017 - 04:16 AM

 

Misamis OrientalIpinag-utos ni Misamis Oriental Gov. Yevgeny Emano sa Provincial Tourism Office na pansamantala munang ipagbawal ang mountaineering activities sa dalawa nilang bayan.

Dahil ito sa panibago na namang bakbakan sa pagitan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) at mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa nasabing kautusan, ipinagbabawal muna ang hiking sa mga bayan ng Sugbongcogon, Salay, Binuangan at Kinoguitan, upang hindi maipit sa bakbakan ang mga turista.

Una na rin aniyang pinagbawalan ang mga turista na pumunta sa mga liblib at tagong lugar sa mga nasabing bayan.

Bago ito, sinuspinde rin ang mga klase sa mga paaralan sa anim na liblib na barangay sa Misamis Oriental dahil rin sa sagupaan ng mga sundalo at rebelde.

Ayon kay Misamis Oriental information officer Nicole Managbanag, naganap ang pinakahuling engkwentro noong Martes.

Ito ang dahilan kung bakit inabisuhan ng mga opisyal ng barangay ang mga guro na huwag na munang mag-klase sa mga Barangay Matampa sa bayan ng Sala; Guinalaban, Membuhan at Ampianga sa Sugbongcogon; at sa Kitambis at Veldeconcha sa Binuangan.

Ayon sa commander ng 4th Infantry Division na si Maj. Gen. Benjamin Madrigal, isang sundalo na ang napatay sa mga bakbakan mula noong Lunes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.