Walang ‘humanity’ ang mga kriminal-Duterte

By Kabie Aenlle March 03, 2017 - 04:22 AM

 

duterte palaceWalang “humanity” ang mga kriminal.

Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang sagot sa report ng Human Rights Watch na nagsasabing maitururing na crimes against humanity ang mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.

Ayon kay Duterte, hindi isang crime against humanity ang pagpatay sa mga kriminal dahil wala namang “humanity” ang mga ito.

Aniya, ang mga napapatay lang naman ay iyong mga nanlalaban sa mga otoridad na nagpapatupad ng kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Wala aniyang pananagutan ang pamahalaan sa mga nasawi sa ibang pamamaraan.

Muli naman niyang sinabi na sasagutin niya ang mga pulis na makakapatay ng drug suspects sa mga engkwentro.

Pinabulaanan rin ng pangulo ang nakasaad sa report na nagtatanim ng ebidensya ang mga pulis sa kanilang mga napapatay.

Paliwanag ni Duterte, bakit mag-aabalang mag-tanim ng ebidensya ang mga pulis gayong maari naman nilang habulin ang marami pang may pananagutan sa batas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.