Visa-free entry ng mga taga-North Korea sa Malaysia, kakanselahin na
Simula March 6, kakanselahin na ng Malaysia ang pagbibigay ng visa-free entry sa mga North Koreans sa kanilang bansa.
Ito’y kasunod ng tumitinding hidwaan ng dalawang bansa dahil sa pag-atake sa half-brother ni North Korean leader Kim Jong Un na si Kim Jong Nam, sa airport sa Kuala Lumpur.
Oras na maipatupad ang bagong patakarang ito, kakailanganin na ng mga North Koreans na makakuha muna ng visa bago sila makapunta sa Malaysia.
Ang Malaysia kasi ay kabilang sa iilang bansa na nagbibigay ng visa-free entry sa mga North Koreans sa kasalukuyan.
Matatandaang malakas ang hinala ng South Korea at ng United States na planadong assassination ang ginawang pag-atake kay Kim Jong Nam, na ginamitan ng V-X nerve agent.
Isa ang kemikal na ito sa listahan ng mga ipinagbabawal ng United Nations dahil sa pagiging weapon of mass destruction.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.