Dasal ipantatapat sa muling pagbuhay sa death penalty sa bansa

By Isa Avendaño-Umali March 02, 2017 - 03:16 PM

death-penalty-0517
Inquirer file photo

Naging ‘House of Terrors’ na ang House of Representatives dahil sa pagpapalusot sa panukalang batas na magbabalik sa parusang kamatayan sa ating bansa.

Yan ang reaksyon ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat matapos aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang Death Penalty bill.

Ayon kay Baguilat, bukod sa nakakatakot ay nakakaiyak at nakakahiya na raw ang kinahinatnan ngayon ng Mababang Kapulungan.

Sa kabila nito, sinabi ni Baguilat na tuluy-tuloy ang kanilang paglaban sa Death Penalty bill.

Hindi pa aniya ito katapusan at ang kailangan lamang ay magtulung-tulong ang mga anti-death penalty.

Apela rin ni Baguilat sa publiko partikular sa mga kontra sa panukala, ipagdasal na huwag maging batas ang aniya’y isang ‘inhuman bill’.

TAGS: baguilat, cngress, Death Penalty, Liberal, baguilat, cngress, Death Penalty, Liberal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.