Presidential Communication Office bubuwagin na

By Chona Yu March 02, 2017 - 03:10 PM

Andanar Abella
Inquirer file photo

Magkakaroon ng reorganizasasyon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, pirma na lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para lusawin na ang PCOO at muling buhayin ang Office of the Press Secretary.

Kasabay nito, sinabi ni Andanar na si Presidential Spokesman Ernesto Abella na lamang ang maaring mag- isyu ngayon ng mga statement mula sa Malacañang.

Ayon kay Andanar, sisentro na lamang ang PCOO sa pangangasiwa sa mga departamento at mga state run media groups na nasa ilalim ng kanyang tanggapan habang si Abella naman ay tututok sa “content and messaging”.

Gayunman, sinabi ni Andanar na maari pa naman siyang magsalita sa media kapag wala si Abella.

Kabilang sa mga tanggapan ng pamahalaan na nasa pangangasiwa ni Andanar ay ang PTV 4, Radio-TV Malacañang, Radyo ng Bayan, APO Production Unit at National Printing Office.

Matatandaang makailang beses nang sumablay ang mga pahayag ni Andanar kabilang na ang alegasyon na nagkaroon umano ng suhulan na $1,000 sa Senado nang magpunta doon si dating SPO3 Arthur Lacañas.

TAGS: abella, andanar, duterte, Malacañang, spokesman, abella, andanar, duterte, Malacañang, spokesman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.