AFP nagdagdag ng pwersa sa Sulu laban sa Abu Sayyaf
Gagamitan ng full force of the law ng pamahalaan ang pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na pumugot sa ulo ng German hostage na si Juergen Kanther.
Mararamdaman umano ng teroristang grupo ang galit ng sambayanan sa kanilang brutal na pagpatay sa German hostage sa pamamagitan ng militar.
Ayon kay Department of National Defense Spokesperson Arsenio Andolong, hindi titigil ang militar hanggat hindi napapanagot sa batas ang teroristang grupo na tinawag pa ng opisyal na mga animal.
Sinabi ng AFP na mayroon pang 31 bihag ang Abu Sayyaf dito ay 12 Vietnamese, 6 Pinoys, 1 Dutch, 7 Indonesians at 5 Malaysians.
Sa ngayon buhos ang tropa ng militar sa lalawigan ng Sulu para tugisin ang teroristang grupo.
Aminado si Andolong, kahit na buhos ang puwersa ng mga sundalo sa Sulu, may mga factors na nakakaapekto kaya hindi magawang ma rescue ang mga bihag.
Giit ni Andolong, ilan sa mga kamag anak ay gumagawa din ng paraan para mapalaya ng ligtas ang kanilang mga kaanak.
Gayun pa man, sinabi ni Andolong na naninindigan ang Philippine at German government sa no ransom policy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.