Dating Pangulong Noynoy Aquino, pinayagang madalaw si De Lima sa PNP custodial center
Nabigyang clearance si dating Pangulong Benigno Aquino III para makadalaw kay Senator Leila De Lima sa custodial center ng Philippine National Police (PNP).
Alas 2:00 mamayang hapon nakatakda ang pagbisita ni Aquino sa detention cell ni De Lima.
Noong Martes sinabi ni Aquino na nagpadala na siya ng liham sa PNP para humiling na madalaw ang senadora.
Sinabi naman ni PNP Chief director general Ronald Dela Rosa na welcome naman ang planong pagbisita ng dating pangulo.
Sa ngayon, mga kaanak at abogado lamang ni De Lima ang pinapayagang makabisita sa kaniya habang ang iba nais madalaw ang senadora ay kinakailangang humingi ng clearance sa PNP./ Dona D
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.