Chinese national, natagpuang patay sa condo unit sa Makati

By Cyrille Cupino March 02, 2017 - 08:33 AM

Google Photo
Google Photo

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang Chinese national sa loob ng inuupahang condominium sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Batay sa nakuhang passport, nakilala aang dayuhan na si Zongxing Lu, 23-anyos.

Nakita ang mga labi ng biktima sa inuupahang kwarto nito sa Room 2715 ng Gramercy Residences.

Kwento ng isang empleyado, naka-schedule sana siyang mag-linis ng kwarto ni Lu.

Pero nang katukin niya ang pinto ng kwarto, walang sumasagot rito dahilan para maghinala siya.

Nang buksan ang pintuan, tumambad ang nakahubad na katawan ng biktima at nakabigti ang leeg.

Walang nakitang suicide note malapit sa biktima.

Batay sa report ng Makati City Police, walang nakitang injuries sa katawan ng biktima.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng nasabing Chinese national.

 

 

TAGS: chinese national, Gramercy Residences, makati city, chinese national, Gramercy Residences, makati city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.