Mga lokal at dayuhang turista, pinag-iingat sa pagtungo sa Misamis Oriental dahil sa engkwentro ng militar at NPA
Pinaiiwas ang mga lokal at dayuhang turista sa pagbisita sa mga tourist spots sa lalawigan ng Misamis Oriental dahil sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng New People’s Army at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Para matiyak ang kaligtasan, pinatitigil muna ng Provincial Government ng Misamis Oriental ang pagbisita ng mga local at foreign tourists.
Sa abiso ni Provincial Tourism Officer Yvonne Waga, inabisuhan din ang mga turista na iwasan ang pagsasagawa ng mountain climbing activities sa mga lugar na apektado ng combat operations ng militar.
Noong February 27 at 28, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro ng NPA sa Upper Kaulayanan sa bayan ng Sugbongcogon.
Dalawang sundalo ang nasawi at tatlo pa ang sugatan sa nasabing bakbakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.