Presyo ng kape, gatas at de lata, tataas

By Dona Dominguez-Cargullo March 02, 2017 - 06:41 AM

dti (1)Nakatakdang tumaas ang halaga ng ilang pangunahing bilihin gaya ng kape, gatas at ilang de lata ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang sangkap at gayun din ng mga materyales na ginagamit sa paggawa ng mga produkto.

Sinabi ni DTI Undersecretary Teodoro Pascua, nasa 18.71 percent hanggang 35.67 percent ang itinaas ng mga imported na materyales.

Sa pagtaya ng DTI, nasa 1.2 percent ang maaring itaas sa presyo ng kape habang nasa 3 percent naman ang itataas sa presyo ng gatas.

Una nang humirit ng dagdag na 30 centavos kada lata sa presyo ng sardinas ang mga manufacturers pero pinag-aaralan pa ng DTI kung risonable ang hirit ng mga negosyante.

 

TAGS: canned goods, coffee, dti, milk, price hike, price of basic commodities, canned goods, coffee, dti, milk, price hike, price of basic commodities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.