Lookout bulletin, inilabas laban sa suspek sa road rage killing sa QC
Nagpalabas na ang Department of Justice (DOJ) ng lookout bulletin laban sa suspek sa pinakabagong insidente ng road rage killing sa Quezon City.
Inatasan na ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II kahapon ang mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na bantayan ang suspek na nakilalang si Ferdison Ong Atienza.
Sa ngayon ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) sa insidente, kung saan naka-iringan ni Atienza ang isang motorcycle rider na si Anthony Mendoza sa panulukan ng D. Tuazon St. at Quezon Avenue noong February 25.
Dahil sa namuong tensyon sa dalawang motorista, napikon si Atienza at bigla na lang binaril sa ulo si Mendoza na siyang ikinasawi nito.
Samantala, nai-turn over naman na sa QCPD ng kaibigan ni Atienza ang puting Toyota Land Cruiser na gamit ng suspek nang mangyari ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.