Dahil hindi pinalalapit sa kulungan, security ni De Lima ni-recall na ng Senado

By Jay Dones March 02, 2017 - 04:26 AM

 

PNP custodialInalis na ng Senado ang mga tauhan ng Senate Sergeant-at-Arms na nakatokang magbigay ng seguridad sana kay Senador Leila De Lima habang ito ay nakadetine sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Ito’y dahil hindi naman tuluyang nababantayan ng mga ito ang senador sa layo ng kanilang puwesto mula sa kulungan ng senadora.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, nasa 50 metro ang layo ng kinapupuwestuhan ng mga tauhan ng OSSAA sa PNP Custodial Center kaya’t walang silbi ang pananatili ng mga ito sa lugar.
Hindi rin naman aniya pinapayagan ang mga ito na makalapit sa detention facility ng mga tauhan ng PNP.

Sa ngayon ania, nag-iisip sila ng paraan upang makumbinsi ang pamunuan ng PNP na payagan ang mga taga-OSSAA na magbantay malapit sa kulungan ng senadora upang matiyak ang kaligtasan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.