Palasyo, pumalag sa ulat ng CNN International sa isyu ng De Lima arrest

By Jay Dones March 02, 2017 - 04:26 AM

 

Ernesto-Abella-0705Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa naging ulat ng CNN International na umaere nitong Miyerkules na nagsasabing ‘political persecution’ ang pagkakaaresto kay Senador Leila De Lima.

Sa pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, inilatag nito ang mga sirkumstansya bago arestuhin ang senador dahil sa pagkakasangkot umano sa pagtanggap ng pera mula sa mga drug lords na nakakulong sa Bilibid.

Malinaw aniya na ang lokal na korte ang nag-utos na arestuhin si De Lima at walang kinalaman dito ang Malakanyang.

Kinakitaan aniya ng sapat na batayan ng korte ang reklamo laban sa mambabatas kaya’t ipinag-utos na ang pag-aresto dito.

Wala aniyang basehan ang report ng CNN International na ‘political in nature’ ang pagpapakulong kay De Lima dahil taliwas ito sa mga ebidensyang napapaloob sa kaso.

Kahit sina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla na nakasuhan at nakulong pa noong nakaraang administrasyon ay hindi ginagamit ang isyu ng ‘political persecution’ bilang kanilang depensa.

Kasabay nito, hinamon ni Abella ang CNN International na maging patas at makatotohanan sa kanilang mga pag-uulat .

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.