Lady Brgy. Captain, patay sa pamamaril sa Tondo

 

Patay ang isang babaeng kapitan ng barangay matapos pagbabarilin sa Hermosa Street, Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Chairwoman Nenita Acuña ng Brgy. 200, Zone 18.

Ayon sa mga kasamahan ng biktima sa barangay, kasama ni Acuña ang isang kagawad, kanilang Brgy. Treasurer, at isang tanod dahil nagkabit sila ng mga tarpaulin, malapit lamang sa barangay hall.

Pabalik na umano sa barangay hall ang biktima nang bigla na lang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect bandang alas-7:30 ng gabi.

Dinala pa sa ospital ang biktima, pero idineklara ring dead on arrival dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

Iniimbestigahan pa naman ng Manila Police District ang motibo sa likod ng pananambang.

Read more...